Tuesday, January 17, 2017

Paraaan upang maiwasan ang pag-aasawa ng maaga o wala sa oras

Paraan upang maiwasan ang pag-aasawa ng maaga o wala sa oras

 Sa panahon ngayon maraming kabataan ang nalilihis ng landas.
Nalilihis ng landas sa  kadahilanang inuuna ang pakikipag - nobyo at nobya ,mas binibigyan ng oras ang pag-ibig kaysa sa pag-aaral.Kaya't maraming kabataan ang nakikipag asawa ng wala pa sa tamang edad .
Sabi nga ng ating Pambansang Bayani "Kabataan ang pag-asa ng Bayan",bawat kabataan ay alam ang salitang ibinigkas ng ating Pambansang Bayani .Kaya't nararapat lamang na maipakita ng bawat kabataan na karapat-dapat ang salitang ito .


PARAAN UPANG MAIWASAN ANG PAG-AASAWA  NG MAAGA O WALA SA ORAS

-Iwasan ang pakikipag-nobyo o nobya ,kapag wala pa sa tamang edad.
-Mas bigyan ng oras ang pag-aaral ,para sa magandang kinabukasan.
-Iwasan ang pagsama kung kani-kanino,lalo na't kapag ito'y hindi kilala.
-Huwag sumama sa bahay ng barkada ,dahil walang salitang'' barkada'' kung ang isang tao ay may pagnanasa sayo.
-Huwag makikipag-inuman ,lalo na kung ika'y babae ,baka ito ang dahilan ng maagang pag-aasawa.
-Kung may nobyo-at nobya ka naman , wag magpapadala sa bugso ng damdamin.
-Pang-huli makinig sa payo ng magulang .

Tandaan walang pagsisisi ang nasa unahan, Isipin muna ang kalalabasan bago gumawa ng mga bagay-bagay.
Ilan lamang ito sa maaring paraan upang maiwasan ang pag-aasawa ng wala sa oras.

1 comment: